Joey Base: A Young Tour Guide.

Hindi ang kagandahan ng lugar

Hindi rin dahil panibagong paglalakbay at karanasan nanaman ito sa buhay ko

Hindi dahil dito kinunan ang mga scenes sa Tirad Pass sa pelikulang “Goyo”

Ang dahilan kung bakit gusto ko nanamang sumulat

Kundi dahil sa isang taong dahilan ng bagong karanasan at pakikisalamuha.

~ ~ ~

Pagdating sa Mt. Balagbag multi-purpose hall kumuha kami ng tour guide kasi first time naming maghhiking at medyo takot din kami. Dalawa lang kasi kami ng pinsan ko and we’re both girls, sa jeep palang tinakot na kami ng driver na delikado kung dalawa lang kaming aakyat. Nung una nag-aalangan pa kami na wag na kasi sayang din naman yung 300 pesos na ibabayad kaysa 10 pesos lang na registration fee.

Nung nakita ko sya medyo nagulat ako na sya mag gguide samin pataas. Hindi ko din inisip na pede pala maging tour guide sa mga ganung lugar kahit bata pa. Kahit papano nawala din yung takot namin, dahil mukhang harmless naman ang isang to.

Wala pa kami sa kalahati paakyat hingal na hingal na ko kaya sabi ko sa pinsan ko ipadala nalang natin sa kanya bag natin para mas madali tutal sanay nanaman sya. Wala naman syang reklamo at pagdadalawang isip kasi binayaran naman namin sya. Ang sabi pa namin wag nyang itakbo bigla or nakawan haha. Ang hirap din naman kasing magtiwala. Pero feeling safe narin kami sa mga madadaanan kasi nandyan naman sya at walang pedeng masamang mangyari samin.

Along the way binabati sya bawat bahay na madaanan namin halatang magaling din makisama. Sya na rin ang naging photographer namin sa lahat at walang karekla-reklamo kahit ang kulit kulit ko at paulit ulit ako ng pakuha ng shot pag ang panget ko sa isang shot. Pinupuri nya pa ko sa mga poses ko kung model daw ba ko at magmodel nalang ako. Ipinagkatiwala ko na sa kanya cellphone ko, gusto ko kasi maraming candid shots. Thankful narin na medyo maalam sya sa pagkuha kaysa sa mga kaibigan ko na taga maynila pero walang alam at ang ppanget kumuha ng shots. Sanay na rin siguro sa mga namumundok.

Sya si Joey Base, 18 yrs old and grade 11 senior high. Sa taas din sila ng bundok nakatira kaya tuwing may pasok imagine akyat baba sya sa bundok na inaabot ng isang oras. Nalaman din namin na 8yrs old lang sya nagsimulang maging tour guide, which is kabuhayan din nila ng family nya. Marami silang magkakapatid at karamihan ay bata pa, iniipon nya yung kinikita nya para may pang-gastos sa school.

Kahit hindi namin sya natanong ng maraming bagay, sa pakikitungo nya palang sa mga tao nakita ko na kung gaano kaganda ang simpleng community nila. Kung gaano rin siguro kaganda ang family nya, na kahit simple at mahirap naturuan parin ng magandang pag-uugali ng tamang paraan kung paano magsumikap para mabuhay. Kung dito sa manila ang batang tulad nya’y malamang na isang batang hamog na nagnanakaw or kaya naman yung mga nanonobre sa jeep.

I came to realizations na nung bata ako anong bang ginagawa ko?! Walang iba kundi mag-aral at maglaro ni hindi ako tumutulong sa gawaing bahay, kadalasan hindi ko pa ginagawa assignments ko at mas pinipili maglaro. Kadalasan hindi mo naappreciate yung mga simpleng bagay na meron ka, napakalaking bagay na pala sa iba. Ikaw, wala ka nang kailangang gawin kasi binibigay na sayo lahat ng parents mo ni ayaw ka pang padapuan sa lamok, mag-aaral ka nalang ng mabuti. Pero merong mga taong less fortunate, hindi ipinanganak na mayaman, hindi pinanganak para magsuot ng magagandang damit at maging kaaya aya at mabangong bata. Ipinanganak sila para magsuot ng damit basahan mga kasuotang itinapon na ng mayayaman, ipinanganak upang walang kaartehang umapak sa lupa ng walang sapin sa paa, ipinanganak para kumayod at tumulong sa magulang sa murang edad pa lamang. Pumapasok sa school kahit milya-milyang lakaran para lang makapag-aral kasi napakalaking pangarap na to para sa kanila. Pero ikaw, ni ayaw mong pumasok sa school para magbulakbol come to think of it kung gaano ka kaswerte pagkapanganak palang sa mundong to. At maraming bata ang nagsasabing ‘Sana ganyan din sila sa kalagayan mo, sana meron din sila ng kung anong meron ka, sana nakakakain din sila ng masasasarap na food na kinakain mo.’

~~~

Kung mababasa nyo po ito at mapadpad kayo sa Mt. Balagbag, sya na po kunin nyong tour guide. And, I swear to you na sulit naman ang ibabayad nyo :). This isn’t the first time na may nag promote sa kanya, I already read a post proving how nice he really is at nakakataba ng puso na may mga taong nakakaappreciate, natutuwa at tumutulong sa kanila. 🙂

Plus! He was an extra sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” bilang isang mandirigmang pilipino. Kaya kung interesado po kayo ituturo nya sa inyo kung saan saan yung mismo spots na kinunan.

So, I must say that this is one of my worthiest blog, thanks for being an inspiration to write about. So your kindness will always be remembered a friend. Till next time!

Advertisements

HBD BFF.

Happy birthday to this girl who has been a long friend of mine going 10 yrs. Akalain mo yun hahahaha.

Bumalik sa alaala ko nung nakaraang araw, 1st yr high tayo..

~~~

Activity natin sa TLE subject:

Wala kang dalang cartolina kaming tatlo nila Isabel at Michelle meron, ang sabi mo bibili ka nalang sa baba. Activity time na, nawala yung cartolina ko at biglang meron ka na sabi mo binili mo sa baba. May plastic na balot yung akin tanda ko. Tinanong ko si Michelle and Isabel kung bumili ka ba sabi nila hindi naman. Kinausap kita, sabi mo binili mo sa baba eh wala ka namang dala hanggang matapos na break natin. Inaaway na kita non nakita ko kasi na katatanggal mo lang ng plastic same plastic na nakabalot sa cartolina ko. At isa pa, hindi binabalutan ng plastic ang mga school supplies sa school kasi mabilis naman yun maconsume at hindi rin naaalikabukan! Kaya pinilit ko talaga na akin yung iyo.

Nakielam na si Ma’am. Galoy satin nakikita nya kasi na nag-aaway tayo. Tinanong nya kung kanino ba talaga yung cartolina, syempre sabi ko akin kasi akin naman talaga yun. Ikaw chill lang, sabi ni ma’am kung walang aamin kung sino yung kumuha hahatiin nalang yung cartolina. Ang sabi mo sige sakin nalang at dahil dun sayo nya binigay nang buo. (Kung naaalala nyo yung kwento tungkol kay Haring Solomon at ang dalawang babaeng pinag-aagawan ang isang sanggol.) Ganon ang naging desisyon ng teacher namin.

Namamangha at naiinis ako non, kasi ang talino nyong dalawa at nagkasundo kayo sa ganung desisyon hahahahaa. Naaapply pala yung desisyon ni Haring Solomon sa sitwasyon natin noon. Nakakaasar talaga! Nakakapikon yung sanggol at cartolina 😂. Hay naku!

~~~

Ganun pa man magkaibigan parin tayo over years kahit hindi tayo laging nagkikita hindi lumilipas yung pakiramdam na magkaibigan parin tayo. Yung pakiramdam na kahit isang taon tayong hindi nagkita eh parang kahapon lang yung huli 😂 walang kamustahan kwento agad. So HAPPY HAPPY BIRTHDAY BESHY! You’re so lucky na nafeature kita dito sa blog ko! Hahahaha wish ko ikwento mo na sakin lahat ng problema mo makikinig ako anyways kahit di ka magkwento I know you naman! As a friend kahit ano pang gawin mo friend parin kita kahit magpakagago ka pa! Hahahaha jk. I’ll always understand everything you do 💕. And always here for you except sa usapang money hahahaha. Mwaps!

Am I pursuing the right thing?

I always end up asking myself. Asan yung mali? Nasakin ba? Kasi di ko makita.

Akala ko okay na. Okay naman willing naman ako to do it. I know I did my best? Masakit na mareject na umasa sa bagay na di mo alam kung may aasahan ka pa ba o wala na, hanggang kailan? Di yata kasi ako marunong maghintay. Ayoko ring magsayang ng oras. Worth it ba yang hinihintay mo? Magiging happy ka ba talaga dyan? Mag sstay ka ba? Or baka gusto mo lang may mapatunayan?

Baka nga. Yun naman talaga eh! Gusto kong mapatunayan that I’m capable of doing what they do. That I’ve achieved something like this. Napatunayan ko naman! I did! But God knows yun lang ang gusto ko. I won’t be truly happy. Title lang ang gusto ko. To brag to myself.

Baka kasi dumating yung day na sasabihin ko naman sa sarili ko na. Maybe, I’m not for this. Then I’ll quit. Hahanapin ko nanaman yung sarili ko, yung happiness na gusto kong ma achieved.

Ang hirap, ang labo. Paano ba? San ang umpisa? San ba yun mahahanap? Paano ko yun makukuha? Kaya ko kaya? Di ko alam.

Susugal nanaman ako. Paano to? Ayokong matalo.

Oo nga naman when you’re pursuing something, it’s because you want to be with it. You see yourself not having plans after it. Kasi yun lang gusto mo. Not just to prove something or to try. It’s you really want it and you’re sure it will make you happy no matter how painful the process. No matter how many objections along the way. Still you’ll pursue it, still you’ll be happy.

Now, I’ll just take my time. Figure out things. Wag magmadali. Invest time doing you’re little goals. Para mas maraming check sa bucket list.

Live cause you are loved.

Dedicating this to myself, to my friends who suffers anxiety and to everyone who feels the same. We are loved, we are worthwhile, we are beautiful.

Please stop putting pressure to someone. Stop degrading when you say that person is trying hard. Stop noticing only the things she have done wrong. Stop saying that she’s not good at all. Stop saying that person won’t reach her dreams that she won’t prove anything at all.

You don’t know that person is tired proving things even in herself. That person is losing most of her confidence because of the words aren’t helpful. That person suffers anxiety because she believes now that she is worthless. She can’t appreciate now the good things in life. Instead, she’s looking for things she must prove to the face of people surrounds her. You must have forgotten that person is still a human, that person gets tired, that person gets hurt.

Please start commending her because she’s doing well. Be proud of her that she still surpasses life in spite of this judgmental world. Be glad that she’s not quitting. Be grateful that she’s still waking up everyday doing her usual things even though how many times she have said “pagod na ko, ayoko na”. Reward her a break without reminding what will happen when she come back.

Please lift her face up when she’s down. Believe her that it’s okay. Be with her to escape and forget everything even just for a while. Make her happy. Be proud of her. Please tell her that she did great.

Thanks to the people who still believes in her that everything she does is beautiful.

Continue to live cause you are loved. Be happy cause you make persons happy. Lift your face up and smile cause you’re indeed beautiful. Be at your most comfortable place, it’s okay if you quit for now, it’s okay if you fail sometimes. Present isn’t just your life there’s a better future ahead.

Believe and love yourself. ❣

This is her.

My 21st year on earth.

This past few days, I keep on thinking what to write or dedicate to myself. But, nothing comes in my mind. Today, the thoughts I wanna write is just coming in.. I can feel the essence of what so called birthday now.. and today is my day!

First and foremost, I wanna thank God for conspiring my beloved parents to be as one together. Second to my parents who brought me to this world.. I owe you this life.

March 15, 1997 when I was born exactly 21 years ago. Thanks God for creating me as a human. I must be so lucky! and I’m very much grateful for it.

Thank you for sending to me to this world full of questions.

Sa pag eexist ng 21 years di ko parin alam kung saan ba dapat ako I guess I knew it but I just don’t know how to get there. Most of my days were filled uncolored. It is when I keep on moving each day, trying to prove something, trying to get anywhere but I don’t know what and where.

Today, I just wanna relax breathe fresh air. I don’t want to give much effort for this day para sa sarili ko nakakapagod nang mag effort para sa sarili.

Hindi ko maippromise pero sana maging mabuti na ko. Mabuting anak, kapatid, kaibigan at empleyado. Lol.

For this year, I am wishing for happiness and world peace.

I wish, I lived earlier.

Ano kayang feeling ng mabuhay ng mga taong 1980’s or earlier mga panahong baduy kung titingnan ang pormahan. Pero hindi para sakin, kasi gusto ko yung maranasan, magsuot ng malalaking jeans at shirt haha, I dont know maybe it felt weird pero yun ang totoo. Siguro hindi ako matturn off kung may lalaki pa ngayong nag aayos ng ganun ang unique lang tingnan.

Kung hindi pa uso ang gadgets sa ngayon, mas nanaisin kong magbasa pa ng maraming libro. Mga panahong hindi busy ang katabi mo kakakalikot at laro sa cellphone, walang wifi. Malaya kayong nakakapag usap walang hahadlang. Hindi mo problema ang jowa mo at ang dota nya. Panahong matalinghaga makipag usap ang mga kalalakihan at tapat magpahayag ng nararamdaman. Nakakalungkot isipin na nagbago na ito sa bawat paglipas ng panahon.

Mas lalong nakaimpluwensya sakin ng kwentong ILoveYouSince1892 by UndeniablyGorgeous. Na curious nanaman ako kung anong pakiramdam ng mga pilipino nuong sakop tayo ng espanya. Noong pinagkakasundo ang mga ipakakasal, noong nakasaya sa araw araw ang mga kababaihan, noong walang switch bulbs at gasera lang ang gamit sa kabahayan. Paanong pakiramdam ng manilbihan sa mga principalia, dahil isa lamang hamak na indio ang inyong pamilya.

My mom keeps on telling me everytime na pupunta kaming Luneta Park “Hindi na to tulad ng dati, kung saan ang ganda ganda ng paligid at marami pang bulaklak.”  Gaano kaya kaganda at kalinis ang manila bay, anung hitsura ng intramuros.

Gusto kong makita ang ganda ng pilipinas noon. Parang gusto kong mabuhay nalang sa nakaraan.

To My College Supercrush.

Hi guys! Hey this is me updating my blog for the month of Looooove Feb. ?.

To give you just a preview, the story I’m gonna share happened and ended 3 years ago. Started when I was sweet 16 umabot pa yata nung mga first month 18 ko.

Dahil wala naman akong something special ngayon. Or whatever inspirational feeling para gawan ko ng serious writing.. So eto, magtthrowback na muna ako. At dahil uso,sya at millenials ako makikiuso tayo.

Eto na…

Simpleng kolehiyala. Taking up BS comsci.

Una ko syang nakita sa ipinalabas na music video ng block nila with background music “chinito”. Dun palang marami na syang nabihag, napabulong ako sa sarili ko.. “hmmm infairness chinito nga.” Hindi pa nagsisimula yung feelings ko nun, wala pa kong tama. Tama ng “chinito bug”, at dahil dun sa MV naging famous sya, hindi lang sa college namin maging sa buong school. We’re on the same college, I was a CS(computer science) IT sya. Parehas din syempre kami ng floor kaya mej. madalas ko syang masilayan. He was 2 years ahead of me, so 1st year palang ako nun 3rd year na sya.

One time papasok sa school, nagkasabay sabay kami ng mga kaibigan ko pasakay ng tricycle.. Tinadhana nga naman puno na yung tricy, hanggang anim lang sakto pagdating nya. He was about to ride a jeep kasi wala nang sunod na tricy, pero ipinilit sya nung manong driver sa backride kasi mag isa nalang sya. So tatlo silang lalaki dun, katabi nya yung friend kong bakla.. Kami sa loob. Pagdating ng school aba! Itong frenny kong baklush sabi “ayoko nang pumara??, ang bango nya ??” singing the song of yeng ?? so kami naman natawa nalang..

Fast forward..
CCS day. Ito yung araw ng college namin may mga special activities, extracurricular atbp. At ang pinaka highlight ng event ay ang “Bebot”, kung saan yung mga tunay at tigasing lalaki sa college namin ay rarampa bilang naggagandahan at seksing mga babae. Ito yung inaabangan ng lahat.. ito kasi yung pinakamasaya.

Then sumali sya, syempre maraming support kasi peymuth ang koya mo. During the pageant, nilapitan sya ng emcee to ask.. “Bakit ka sumali dito, eh kilala ka bilang chinito famous?” Ang sabi nya “Iniisip ko nalang po sa sarili ko na matapang ako”. Ewan ko ba, yung sagot nya na yun dun yata ako tinamaan kinilig na ko, kinagat na ko ng chinito bug. Na appreciate ko lang, na di lahat ng lalaking gwapo kayang gawin yun. Sabi ko sa sarili ko, “It’s not actually a minus 1 but a plus 1.” Dahil sa pagrampa nya bilang bebot dun ako tinamaan at kinagat ng nakakalasong chinito bug.

Inadd ko na sya sa facebook, naging mej. stalker mode na ko. Hanggang sa lumalala na feelings ko mas lalo ko na syang nagugustuhan that’s why I defined him as my supercrush. Sa kanya ko lang kasi naramdaman yung ganung pag hanga.. Inspiration ko syang pumasok sa school kahit naiistress ako kakaprogram namumulubi sa codes. Basta, pag iniisip ko na makikita ko sya ginaganahan na ko.

One time nasa, park kami ng school ng mga classmates ko. Nagppractice para sa gagawing play, 17th bday ko nung araw na yun, pero bago yung day na yun may wish ako kay God, na sana batiin ako ng crush ko. Though hindi naman ako umasa kasi alam kong mej. imposible kahit na friends tayo sa fb, eh sobrang famous mo ba naman sa school.

Nagulat nalang ako ng sinabi ng classmate ko, “Sarah, binati ka ni chinito. HAPPY BIRTHDAY..??” Yung simpleng greet sa timeline na yun bumuo ng birthday ko. Sobrang kinilig at ang saya ko talaga non.

Nakwento sakin ng classmate ko na FC sa mga fame, na nakakatext ka nya. So, binigay nya saken # mo. Nung una wala naman akong balak dun iistore ko lang sa contacts ko.

Then one night, di pa ko makatulog, nandun ako sa# mo. Keypad pa kasi cp ko nun kaya may chat aside sa sms. Nilagay ko name mo as chat name, then sinend ko sa # mo. Alam kong di namassend yun kasi wala naman akong load. Then one f*cking stupid of me “Message sent” mej. nagpanick ako, pero nakatulugan ko nalang din. Paggising ko kinaumagan papasok, nakita ko may reply ka

Him: “Cno po to? ?”
Me: “SORRY PO, WRONG SEND.”
Him: “Cno po toh? ?”
Me: “WRONG SEND NGA PO ANG KULIT!”

talagang may smiley emoticon yung message mo non. Sa isip ko ang landi naman neto! Hahaha eh kasi kinikilig ako ??.

Nung tnry ko sa friend yung chat message, langya! dun ko lang nalaman na ganto pala output non pag sinend mo.

Chat name
(J*** M*****):

Message…..

naalala ko na name mo nga pala nilagay as chat name *face palm* tas sabi ko WRONG SEND! haaaaayts. kaya pala may smiley emoticon ka. E P I C !

After kong ma wrong send di na kita tinigilan. Naisip ko since, nagkaron na ko ng commu. sayo itutuloy tuloy ko na haha. So.. ito nga ginawa ko. I bought a new sim, yun yung ginagamit ko pang text sayo haha. Without you knowing kung sino ako. Di ko talaga inamin haha.. Ang sabi ko lang we’re studying in the same school, and I’m a first year stud. walang ibang nakakaalam nito kundi yung isa kong friend si g****. Nag attempt kang malaman kung sino ako. Pero wala, sobrang secure ng identity ko haha. Dahil sa palitan natin ng msgs nalalaman ko mga ginagawa mo haha. Pero sobrang naboring ako nakakainis ka kasi minsan di ka nagrereply kaya umaabot pa ng 30 msgs ko bago ka magreply tas amboring mo pang kausap, siguro dahil di mo kilala kung sino ako kaya ganun.

Hanggang sa nagkaroon na ko ng pictures sayo.

First pic. Unang pic. natin nung amity. Ayokong pumunta non kasi bagsak ako sa algo super down and iyak ko nun kasi ba naman pag di ko napasa yun for sure na magffifth year ako. And yung amity for midterm survivors lang, so inisip ko na di ko deserve na pumunta at magsaya. Sinabi ko na sa friends ko na di ako pupunta. Pero habang nasa bahay ako, binabagabag talaga ng mga kaisipang: pag hindi ako pumunta, walang chance na makita kita. Pero pag pumunta ako may chance naman na makita kita. Nag oOJT ka na kase nun kaya sobrang bihira nalang kita makita sa school. Syempre miss na kita eh. Lol. Ikaw ang inspiration ko sa pagpasok araw araw. Hahahahaha. Dahil mahal kita hahaha yun pumunta ako. Pumili pa ko ng pinakamaganda kong dress. Hahaha inistraight ko pa buhok ko para hindi dry.

Syempre naman super thank You Lord, hindi mali ang desisyon at hindi nasayang ang effort ko! Eto na nga hahahaha!

Naghahanap kami ng seats ng friends ko, tas may nakita kami sa taas. Paakyat na kami bale 2nd ako sa dulo. Tas napalingon ako sa kanan uupo na dapat ako napansin kita. Kaya pinauna ko yung huli saken para makatabi kita! Hahahahahaha As in jackpot! Thank You Lord po talaga! Hahahaahaha ayaaan super mahal kita hahahaa nababaliw na ko. Tas napansin ng friends ko na magkatabi tayo syempre sila todo pang inis na azar! Pero happy naman ako kaya okay lang. Kaya yun may first pic na tayo! Hahahahahahaha

**Picture of Last Monday of 2nd Sem